Thursday, July 14, 2011

Makiisa, Makisangkot. I am Ready.

Ang nakaraan....

Kaninang tanghali, nakipagpulong ang dyosa sa mga mortal at naibahagi na ang ilang sa mga gampanin kabilang na dito ay ang pagdiriwang ng kaarawan ni Apolinario Mabini (July 22). Ang programa ay isasagawa sa ika-23 ng Hulyo, ganap na ika-1 ng hapon sa Mabini Shrine.

Ang unang bahagi ay isang panayam kung saan si G. Gio Caliguia, BA History 4-1, ang napiling tagapagsalita sa araw na nabanggit.

Prop. Marlon Agoy-agoy,
PUPSMK na irerepresenta ni Bb. Arabella Alberto ang mga mangangasiwa para sa kalahating araw na pagtour sa 25 bata ng Brgy. 634 sa Mabini Shrine , loob ng PUP.


Makibahagi, makisangkot. I am READY!

----
Ang Baliktanaw

Bukas ay opisyal na mailalatag ang mga kasapi ng Interim Editorial Board ng ating student newsletter. Inaasahan natin na ang lahat ay makikibahagi sa muling pagbuhay ng ating pahayagan.

Ang mga nagnanais na na maging contributor ng Ang Baliktanaw(panglathalain o literatura, sanaysay atbp) -- ay mangyaring magsumite ng sariling likhang artikulo sa PUPSMK Office at hanapin si Bb. Carmela Alvior (lathalain) at G. Jan Anthony de Jesus (balita). Gayundin, pinapayuhan na kunin po ang email addresses ng mga piling patnugot sa iba't ibang kategorya at magpasa ng soft copy ng sariling likhang piyesa.

Maglalaan tayo ng deadline para makapagpalabas tayo ng unang serye ng pahayagan bago ang Linggo ng Kasaysayan.

Salamat.

-----

Nagpapasalamat muli ako sa mga BA History majors sa walang sawang pagtulong at aktibong pagsuporta sa mga programa ng Departamento at PUPSMK.

Wag kayong magsawa. Patuloy akong mangungulit sa inyo.

No comments:

Post a Comment