Welcome to
PUPSMK's Slumbook Series where you can find the coolest information
about our History professors and dear student majors. Get to know them
up close and personal. Our featured BA History student this week is Mr. Ryan Tan.
Age: 20
Birthday: January 20, 1992
Zodiac Sign: Aquarius
~ Favorites:
Color- Red
Author- J.K Rowlings
Book - Harry Potter series
Expression - (“Mura” po ang expression ko po)
Food - Chopsuey
Hobby - matulog at mag trabaho hanggang sa mapagod
Subject - History
~The Whys:
Why did you take BA History program?
High School pa lamang ako ay gusto ko ng mapag-aralan ang kasaysayan ng
pilipinas maging ang asya dahil na rin sa kagustuhan ng aking guro sa
ARALING PANLIPUNAN na namayapa na noong agosto 22, 2012, sabi niya sa
akin mag-enrol daw ako ng programang History para mas lumawak pa ang
aking kaalamanan. At Un the rest is history na nga.
Which history subject you are liking at the moment?
Pre-colonial and colonial Philippines ang gusto kong history subject as
of now kasi andami kong natututunan lalo pa ng pinapabasa kami n imam
agustin ng ibat ibang book na related sa subject naming..grabe ang sarap
talagang pag-aralan ung tipong ang alam mo lang ay ung amaya pero kapag
nagbasa ka pa ng nagbasa dadami pa ung kaalamanan po, super like ko
talaga ung erang pre at colonial history..
How do you find your teachers in History?
Bilang pangulo ng smk, nakikita ko ang aming mga guro sa kasaysayan
bilang isang mabuting taga-gabay sa amin sapagkat hindi lang naman sila
guro upang turuan kami ng mga asignatura, sila rin ung tumatayong
magulang naming sa loob ng pamantasan, napakabuti nila sa amin at kahit
kailan hindi nila kami pinapabayaan. Ang mga pangaral nila sa amin ay
nagsisilbing aral sa amin upang gawin pa ang mga bagay na laam nilang
magiging pakipakinabang sa amin balang araw at habang buhay ko naman
iyong itatatak sa aking isipan. Naalala ko nga nang pumunta kami ng
marinduque, imagine dagat ang pagitan niyon sa manila, Nang biglang
umatake ang sakit ng aking tiyan at ito’y nag bleed na, ang akala ko
duon na ako mamamatay un pala hindi, nang malaman ng mga propesor ko an
gang sakit agad-agad nila akong dinala sa ospital at hindi nila ako
pinabayaan hanggang sa gumaling ako at ma i-discharge, ang buong pamilya
ko ay lubos na nagpapasalamat sa mga taong tumulong sa akin, at sabi pa
nga nila alam nilang ligtas at walang mangyayaring masama sa akin lalo
pa kung kasama ko ang mga propesor ko, kaya malaki ang tiwala nila sa
aking mga guro.
Is there a memorable experience at school you want to share? What would it be?
ah, memorable experience ito ung rizal week celebration, ganito un kami
noong 1-1 pa kami lagi naming nililinis an gaming klasrum bago at
pagkatapos ng klase naming, ganun pa ri naman kami hanggang ngayon, sa
sobrang bwusit ko dahil nadatnan naming ang klasrum naming na tila
payatas ang dating dahil sa mga basurang iniiwan ng mga estudyanteng
gumagamit n gaming klasrum sa south 606, hindi ko napigilan ang aking
sarili na hindi magsalita ng masasama, tapos eto na may biglang pumasok
sa room at ang sabi kukunin na daw nila ung mga gamit nila para sa 150th
ni rizal eh!, bad trip ako nun gusto ko sanang awayin ung mga un, tapos
pagka lingon ko NABIHAG AKO NG NGITI NI KENNETH JAIRUS SANTOS CRUZ ko,
tapos ang galit ko boglang nauwi sa isang pag-ibig ika nga nila love at
first sight, grabe ang gwapo gwapo niya nun, dun ung unang araw ko
siyang nakita, nakakabaliw hindi ko na siya nilayuan ng tingin at lagi
ko na siyang hinahanap hanap sa kagawaran, siya nga ung nagging
inspirasyon ko nun para pumasok at mag-aral ng mabuti..kaloka ang gwapo
niya talaga..at un na nga.
~Ifs:
If you were given the
privilege to ask one professor in history at PUP, who would be that
teacher and what would be your question?
Prof. Dado, sir dado ano po ba ulet ung tulang ginawa mo sa monument ni rizal?
You saw 1,000 peso bill lying on the floor. What would you do?
aba 1000 na un kung hindi ko naman alam kung sino ang may-ari eh akin
na un, hahhahhaha sama lang ng ugali, hindi kung nakita ko naman kung
sino ung nakalaglag ng pera aba isasauli ko naman aba malay ko bang un
nalang pala ung huli niyang pera o pang bayad sa tuition niya edi
nagging konsensya ko pa un na hindi siya nakapag-aral o nakauwi ng bahay
nila, ang pera naman kasi madaling kitain kung magpupursige lang tayo
at magsusumikap.
If you can say one thing to your crush, what would it be?
Jairus, kailan ka ba ulet babalik sa school miss na miss na kasi kita?
How do you see yourself few years from now?
Wala pa po akong vision hanggang ngayon pero po alam ko malapit na.
No comments:
Post a Comment